"Mula sa trahedya, naging biyaya"

Isang masamang balita ang sa akin ay gumimbal
Nang matanggap ang mensahe mula sa amang mahal
Sasakyan daw niya'y tumagilid, siya'y tumalon sa kanal
At sa malaking bato tuhod niya'y nasupalpal


Di pa man nalulunasan isang problemang hinaharap
Heto pa't nadagdagan, mayroong trahedyang naganap
Bugso ng damdamin ko'y nais ko ng ilabas
Ang sama ng loob ko'y akin ngang naibulalas


Nais ko sanang takbuhin ang daan patungo sa'min
Ngunit ang nanghihina kong katawan ay di umayon sa akin
Mga mata ko na'y lumuluha subalit di na pinansin
Sapagkat ang puso ko'y tumatangis na ng lihim


Matapos maibalita ang aksidenteng nangyari
Kalungkutan sa mukha'y hindi maikubli
Aming inaalala ang kalagayan ni daddy
Kung kaya't naghanda na at nag-atubili!


Sa bundok na kinaroroonan ng aking ama
Nang araw ding iyon kami ay nagpunta
Nagsimulang maglakad noong ala una y medya
Ang nag-aapoy na araw ay di na inalintana


Sa tuwing kami'y napapagod, sa puno sumisilong
At kung kami'y nauuhaw, tubig ay iniinom
Sa hapo naming katawan, hangin ay tumutulong
Ang preskong simoy nito'y hinanda kami sa pagsulong


Mag a-alas tres na noong kami'y nakarating
Agad naming nilapitan ang taong pakay namin
Tuhod niya'y nasugatan nga ng medyo malalim
Ngunit katapangan sa mukha niya'y aninag parin


Pinagtiyagahan nilang bangunin ang sasakyan
Tulong- tulong, sama-sama walang oras na sinayang
At nang ito'y maibangon lahat ay nasiyahan
Sapagkat ni walang gasgas ang salamin sa harapan


Madilim na ang daan noong kami'y pababa
Ngunit ang Panginoon ay hindi nagpabaya
Ang buwang maningning ay siyang ginamit Niya
Upang ang presensya Niya ay aming madama

Sa lahat na naganap ako'y may natutunan
Ang pag-ibig ng Diyos ay siyang mas matimbang
Mula sa tubig, hangin, puno at halaman
Hanggang sa bilog at makinang na buwan


Tunay ngang sa bawat problemang ating nadarama
Ang Panginoon natin ay di nagpapabaya
Bakit hindi bilangin ang lahat ng biyaya
Kaysa iyong ipunin ang lahat ng trahedya?


Marahil nasaktan nga sa nangyari ang aking ama
Ngunit hindi ba't isang milagro na siya ay buhay pa?
Sa nakitang kalagayan, ang DIYOS ay buhay nga!
Dahil naging biyaya ang kanina ay trahedya!

"Mga Tagubilin- Kankana-ey"

    Sin sabado yan nannandan kami en ading ko ay inmey ed Dumpay. Amey kami anggoy kuma pasyaren si apong mi yan nairana ay graduation baw din issa ay agtutubo's di. Gapu ta ammu da ay "Student Deaconess" ak yan inayagan da sak-en ay man gitara sin doy amagen da ay "Thanksgiving Worship".

    Isa ay partin di programa da yan din pangidawat di mensahe para sin nan graduar. Yan ipaka ammuk abe in dakayo dadin bilbilin ay inbalbalikas da ta sapay kuma yan mausar yo sin pantultuloy yo ay man- adal.

"Dakayo ay eskwela, adiyon liwliw- an di tumangad en Apo Dios tako tan ewed di mabalinan tako no maed si Apo Dios ay tinmulong en dataku. Ulay sino di amagen yan itangad takos nam-in en Apo ta Sisya di manbendisyon en dataku ta maawat tako din balligi ay layden tako"

"Ewed di maidawat na ay mayat di kinasuker. Mantulnog kayo ya denggen yo di bilbilin da tatang en nanang yo ta di layden da yan mailenteg kayo sin mayat ay danan." 

"Ed am-in ay amagen yo, pasalamatan yo si Apo Dios"

"Adi kayon itaptapi di gayem sin eskwela yo ta wada pay dedan di oras paras sa ay banag"

"Mabikas ay lumabas di taw-en et anus ya salun-at di inkayo kiddawen en Apo ta adi kayo maganab di balligi no wat mapo en dakayo di usaren yo ay salun-at. Mapo en Dios am-in ay kasapulan yo tapno ma-a yo di balligin di pan eskwela ta say wat maipatawid mi en dakayo ay maga di maka akew."

"No eskwela, eskwela. Adiyon itaptapi di udom ay banag. Ta ulay pay ibaga yo ay inspirasyon yo san gayem, issa ay manrugi di sulisog ay ma-a yo no adi kayon tungpalen di bilin mi en dakayo."

"Es-esten yo di man eskwela ta no makdeng kayo yan dakayo di mangipango en dakami ay iin-a yo ay ewed di adal na. Ta adi kayon maipares en dakami ay wat manpapaigid. Lalasuyen di pada ay tao ta maga galud iman di adal."

Siya sa dadin bilbilin ay inbaga da sin nan graduar ay maibagbaga abe en datako nam-in.
Makarit tako kuma ay am-in sin doy bilbilin ta es-esten takoy pan ad-adal tako. Adi tako kuma ling-an di tumangad en APO DIOS. 



Ang mga nasa taas ay ang mga tagubilin ng mga mahal sa buhay ng isang kabataan sa Trinity UMC matapos niyang pagtagumpayan ang pag-aaral sa haiskul. Isasalin ko sa wikang Filipino ang mga ito upang maintindihan ninyo. 

"Kayong mga estudyante, huwag ninyong kaligtaan ang tumingla sa Diyos sapagkat wala tayong magagawa kung wala siyang tumutulong sa atin.Kahit na ano pa ang ating gawin ay itingala natin sa Diyos dahil siya ang magbibigay ng bendisyon sa atin upang makamtan natin ang tagumpay na ating inaasam."

(Walang mabuting naibibigay ang pagmamatigas ng ulo. Sumunod kayo at pakinggan ninyo ang mga tagubilin ng inyong ama at ina sapagkat ang naisin nila ay maituwid kayo sa tamang landas)
"Sa lahat ng gagawin niyo, pasalamatan niyo si Kristo"
"Huwag ninyong ihalo ang pakikipagrelasyon sa pag-aaral sapagkat ito ay may tamang panahon."
"Ang panahon ay mabilis na lumilipas. Tiyaga at lakas ang hilingin ninyo sa Diyos sapagkat hindi ninyo makakamtan ang tagumpay kung sa inyo manggagaling ang tiyangang inyong kakailanganin. Nanggagaling sa Diyos ang lahat ng kailangan ninyo upang makamtan ang tagumpay ng pag-aaral sapagkat iyon lamang ang maipapamana namin sa inyo na walang sinuman ang makananakaw."
"Kung pag-aaral, pag-aaral lang. Huwag ninyong idagdag ang ibang bagay dahil kahit sabihin pa ninyong inspirasyon ang pagpasok sa isang relasyon, doon parin nagsisimula ang mga tukso na makukuha ninyo kung hindi kayo makikinig sa mga payo ng mga magulang ninyo."
"Pagbutihin ninyo ang inyong pag-aaral upang kapag kayo'y natapos ay kayo ang gagabay sa aming mga hindi nakapag-aral. Upang hindi kayo matulad sa amin na laging nasa sulok o gilid at minamaliit ng iba sapagkat wala nga kasing pinag-aralan."

Nawa ay maging hamon sa atin ang mga habilin na ito na siyang magagamit natin sa pagpapatuloy sa pag-aaral. Hindi upang itaas at ipagmalaki ang ating mga sarili kundi ipagmalaki at itaas ang DIYOS na noong una pa man ay naging tapat na sa ating mga anak Niya.

Sa DIYOS ang pinakamataas na papuri!
Soli Deo Gloria!