Parody ng mga Bata :)

Matagal narin pala akong hindi nakakapagpaskil dito sa aking blog. Dahil sa mga gawain at tungkulin ng isang estudyanteng malapit ng magtapos, naging abala ako ngunit naging masaya rin naman. Isa sa mga pinagkakaabalahan ko ngayon ay ang Practice Teaching. Araw- araw kasi ay nasa klase ako ng mga batang medyo kasing-tangkad ko rin naman ngunit hindi kasing-bata. Ako ay nagtuturo sa mga batang nasa ikatlong baitang dito sa aming paaralan. Nakatutuwang sila ay makita at makasama sa bawat araw at madiskubre ang kanilang mga kanya-kanyang kakayahan. Namangha ako isang araw nang magkaroon sila ng isang gawain sa Christian Values. Sila ay ipinangkat sa apat at pinagawa ng isang kanta tungkol sa pagkakakilala nila kay Hesus. Nais kong ibahagi sa inyo ang isa sa mga gawa nila na hango sa isang kantang kinahuhumalingan ngayon ng mga kabataan, ang pumatok na kanta ni Daniel Padilla- Hinahanap- hanap Kita. Narito ang parody ng mga batang nasa ikatlong baitang na nagpapahayag ng kanilang pagkakakilala kay Hesus. Nawa'y maging hamon ito sa lahat. 



Si Jesus

Si Jesus ay...
mapagbigay...
nagbibigay ng aming
pangangailangan sa buhay

Tungkol sa Kanya...
Siya ay Hari
Siya ay mabuti at Dakila
Siya rin ang Tagapagligtas namin

KORO
Si Jesus ay nagbibigay ng aming
mga pangangailangan
Hinahanap-hanap namin Siya
Hinahanap-hanap namin Siya

Sa paggising namin sa umaga
Siya ang aming naaalala
Hinahap-hanap namin Siya
Hinahanap-hanap namin Siya

Sabik sa Kanya...
kahit maghapon
hinding-hindi kami magsasawa
sa pagdarasal

Tungkol sa Kanya...
Siya ay Hari
Siya ay mabuti at Dakila
Siya rin ang Tagapagligtas namin

(Ulitin ang Koro)

Sa bawat linggo kami'y
nagsisimba para sa Kanya
Hinahanap-hanap namin Siya
Hinahanap-hanap namin Siya

Bago sumakay sa jeep
Kami ay nagdarasal
Hinahanap-hanap namin Siya
Hinahanap-hanap namin Siya...

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento