"Aliw"

Kahapon ay napagalitan kami ng aming inay sa dorm (dormitory matron) dahil naiwan naming bukas ang tatlong bentilador sa aming kuwarto. Dahil doon, nabigyan kami ng karampatang disiplina ngunit hindi ko na iyon babanggitin pa. :) Nag-usap-usap kaming magkakakuwarto na humingi ng tawad kay tita dahil sa aming nagawang kapabayaan. Gumawa kami ng isang parody mula sa kantang "Sorry na" at hinarana namin siya sa kanyang silid. Ito po ang aming nagawang parody na nakapagpangiti naman sa aming tita.

Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya
Kung nag-iwan man kami electric fan na naka-open
Dahil nagpapahangin ng mga basang damit
Sorry na talaga kung kami ay pabaya
Hindi kami nag-iisip nag-iiwan ng gamit
Sorry na...hindi na mauulit....

Napakasarap ng pakiramdam namin noong gabing iyon dahil nagkaisa kaming lahat upang humingi ng tawad. Nakita namin ang tunay na pakiramdam ni tita noong binigyan niya kami ng karampatang disiplina. Hindi niya talaga kagustuhan iyon ngunit dahil hindi kami natuto, kailangan niya kaming displinahin sa paraang tunay na makapagbibigay sa amin ng aral.
Sa pangyayaring iyon, bigla kong naisip gawan ng parody ang isang kantang nakakaaliw ang musika. Iyong kantang "Baliw" ni Kiss Jane. Naisip ko kasi ang kaaliwan na walang kapantay mula lamang sa ating Panginoon. Napakasimple ng pangyayaring iyon ngunit ang damdamin ng bawat isa'y gumaan. Gumaan ang aming pakiramdam sa paghingi ng tawad at ganoon din, gumaan ang pakiramdam ni tita sa aming ginawa. Nawa po ay palagi nating isipin at isaalang-alang ang pagmamahal ng ating Panginoon kahit sa mga simpleng bagay lang.

"ALIW"
(G-D-Em-C)

Aliw...
I.  Sobrang gulo, problema'y paulit-ulit nalang
       Bakit ba ganito? Bakit ako'y pinaglalaruan
Naninikip ang dibdib ko
Di na alam ang gagawin ko

KORO
(Ngunit) inaaliw Mo ako Oh Hesus
Hindi na malulungkot
Wala ng luha at alinlangan
Dahil ako'y Sayo lamang

II. Lito na ang isip ko, di mawari kung anong dahilan
Bakit nasasaktan, puso'y tumatangis
damdami'y sugatan
Batid niyo ba ang sinapit ko?
Wala na yatang pag-asa ito

KORO
Ngunit inaaliw Mo ako Oh Hesus
Ako Sayo'y susunod
Wala ng duda at pagdurusa
Dahil ako'y Sayo lamang

TULAY
Hindi na ako mangangamba? (mangangamba)
Dahil si Hesus ang aking kalinga...

(Ulitin ang unang koro)



Sa Diyos lamang natin matatagpuan ang kalinga at kaaliwan na ating kinakailangan. Pagpalain po nawa tayo ng ating Diyos!

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento