Ang Kuwento ng Isang Nilalang
"Taos na Pasasalamat"
"Aliw"
Kahapon ay napagalitan kami ng aming inay sa dorm (dormitory matron) dahil naiwan naming bukas ang tatlong bentilador sa aming kuwarto. Dahil doon, nabigyan kami ng karampatang disiplina ngunit hindi ko na iyon babanggitin pa. :) Nag-usap-usap kaming magkakakuwarto na humingi ng tawad kay tita dahil sa aming nagawang kapabayaan. Gumawa kami ng isang parody mula sa kantang "Sorry na" at hinarana namin siya sa kanyang silid. Ito po ang aming nagawang parody na nakapagpangiti naman sa aming tita.
Sa pangyayaring iyon, bigla kong naisip gawan ng parody ang isang kantang nakakaaliw ang musika. Iyong kantang "Baliw" ni Kiss Jane. Naisip ko kasi ang kaaliwan na walang kapantay mula lamang sa ating Panginoon. Napakasimple ng pangyayaring iyon ngunit ang damdamin ng bawat isa'y gumaan. Gumaan ang aming pakiramdam sa paghingi ng tawad at ganoon din, gumaan ang pakiramdam ni tita sa aming ginawa. Nawa po ay palagi nating isipin at isaalang-alang ang pagmamahal ng ating Panginoon kahit sa mga simpleng bagay lang.
Ngunit inaaliw Mo ako Oh Hesus
"Mula sa trahedya, naging biyaya"
Isang masamang balita ang sa akin ay gumimbal
Nang matanggap ang mensahe mula sa amang mahal
Sasakyan daw niya'y tumagilid, siya'y tumalon sa kanal
At sa malaking bato tuhod niya'y nasupalpal
Di pa man nalulunasan isang problemang hinaharap
Heto pa't nadagdagan, mayroong trahedyang naganap
Bugso ng damdamin ko'y nais ko ng ilabas
Ang sama ng loob ko'y akin ngang naibulalas
Nais ko sanang takbuhin ang daan patungo sa'min
Ngunit ang nanghihina kong katawan ay di umayon sa akin
Mga mata ko na'y lumuluha subalit di na pinansin
Sapagkat ang puso ko'y tumatangis na ng lihim
Matapos maibalita ang aksidenteng nangyari
Kalungkutan sa mukha'y hindi maikubli
Aming inaalala ang kalagayan ni daddy
Kung kaya't naghanda na at nag-atubili!
Sa bundok na kinaroroonan ng aking ama
Nang araw ding iyon kami ay nagpunta
Nagsimulang maglakad noong ala una y medya
Ang nag-aapoy na araw ay di na inalintana
Sa tuwing kami'y napapagod, sa puno sumisilong
At kung kami'y nauuhaw, tubig ay iniinom
Sa hapo naming katawan, hangin ay tumutulong
Ang preskong simoy nito'y hinanda kami sa pagsulong
Mag a-alas tres na noong kami'y nakarating
Agad naming nilapitan ang taong pakay namin
Tuhod niya'y nasugatan nga ng medyo malalim
Ngunit katapangan sa mukha niya'y aninag parin
Pinagtiyagahan nilang bangunin ang sasakyan
Tulong- tulong, sama-sama walang oras na sinayang
At nang ito'y maibangon lahat ay nasiyahan
Sapagkat ni walang gasgas ang salamin sa harapan
Madilim na ang daan noong kami'y pababa
Ngunit ang Panginoon ay hindi nagpabaya
Ang buwang maningning ay siyang ginamit Niya
Upang ang presensya Niya ay aming madama
Sa lahat na naganap ako'y may natutunan
Ang pag-ibig ng Diyos ay siyang mas matimbang
Mula sa tubig, hangin, puno at halaman
Hanggang sa bilog at makinang na buwan
Tunay ngang sa bawat problemang ating nadarama
Ang Panginoon natin ay di nagpapabaya
Bakit hindi bilangin ang lahat ng biyaya
Kaysa iyong ipunin ang lahat ng trahedya?
Marahil nasaktan nga sa nangyari ang aking ama
Ngunit hindi ba't isang milagro na siya ay buhay pa?
Sa nakitang kalagayan, ang DIYOS ay buhay nga!
Dahil naging biyaya ang kanina ay trahedya!
"Mga Tagubilin- Kankana-ey"
Sin sabado yan nannandan kami en ading ko ay inmey ed Dumpay. Amey kami anggoy kuma pasyaren si apong mi yan nairana ay graduation baw din issa ay agtutubo's di. Gapu ta ammu da ay "Student Deaconess" ak yan inayagan da sak-en ay man gitara sin doy amagen da ay "Thanksgiving Worship".
"Ngiti, sa KANYA'y ialay"
Pagkatapos kong mapag-isipan ng masinsinan ang mga payo ng aking mga kaibigan, narito ang isang tula na aking nagawa.Ito'y magpapakita ng pagkilos ng ating AMA. Maibigan niyo nawa.
Sadyang napakahirap tumanggi
Sa tawag ng DIYOS na mabuti
Anumang pag- iwas ang gawin
Sa landas NIYA'y mapupunta ka parin
Sa kabila ng kawalan ng kaalaman
Talagang akin paring sinubukan
Hindi upang kayo'y pagbigyan lamang
Kundi upang tawag NIYA'y aking pakinggan.
Hindi sapat na iyong malaman,
Linangin at ibahagi ang talentong alam
Huwag mong ipagkait, sa iba'y ibahagi
At sa DIYOS ay huwag limuting magpuri
Sapagkat anuman ang galing mong taglay
Ay nanggaling sa AMANG nagbigay buhay
Kung kaya ito'y sa KANYA ibigay
At ngiti sa KANYANG labi'y iyong maiaalay.
"KAWAL NI KRISTO"
“KAWAL NI KRISTO”
ni: Ernalyn Anapen Kidsolan
Minsan sa buhay ko, may mga taong dumating,
Mga kuya at ate na aking itinuturing.
Sila’y mga kawal na sadyang magigiting,
Papurihan ang Diyos ang kanilang layunin.
Nais mo bang sila’y makilala?
Sisikapin kong banggitin sila isa- isa.
Upang sa iyong patuloy na pagbabasa,
Ay malaman mo ang kagitingan nila.
Aking uumpisahan sa “Kuya Pastor” ko,
Na ang pangalan ay “Bernard Rosario”
Siya ang matapang na lider ng grupo,
Tinawag siya tuloy na “bato ang puso”
Sa kasagsagan ng kanyang pakikidigma,
Ang kaaway ay tinawag siyang “May Tama”
Nabigla man sa narinig, sarili niya’y kinalma,
At sa kaaway siya ay ngumiti pa.
Isa rin sa mga kawal si ate Anna.
“Beloved ate” ang tawag ko sa kanya.
Sa gawa ng kaaway ay galit din siya.
Ayaw niyang masaktan mga babaeng tulad niya.
Kasama rin sa grupo ang astiging si kuya Donnie
Sa pakikipaglaban, siya’y hindi pahuhuli
Siya’y butihing kapatid ni “Beloved ate”
Ang tawag ko sa kanya ay “Kuya Smiley”
Naku! Alam mo bang kasama rin ang pinsan ko?
Siya ay si “Kuya Trial” kung tawagin ko
Ang naninirang kalaban ay di rin niya kasundo
‘Yan ang pinsan ko! Si kuya Mon- seryoso.
Bago makipaglaban ang mga kawal na ito,
Ay taglay nilang lahat mga nakasulat sa Efeso
Sa mga buhay nila’y nakasuot ang mga ito
Lalo na ang kalasag ng pananalig kay Kristo.
Ang mga taong ito ang naging inspirasyon ko.
Sa aking paggawa ng simpleng tulang ito
At katulad nila, isa rin ang nais ko
Iyon ay ang maging magiting na “Kawal ni KRISTO”!